Chapter 101 Mackenzie May mga alaalang mas mabuting manatili na nga lang sa nakaraan. Unti-unti kaming nakaahon sa isa sa pinakamalaking pagsubok na dumating sa buhay naming mag-asawa. Nakausad si Lia, nakausad kami. "Mama, nasaan na ba kasi si Tita Mama?" tanong ni Avery sa ina. Kararating ko lang galing office. 7 am to 3 pm ay nasa trabaho ako. Maaga akong umuwi dahil ayaw kong matulad sa iba na nakakauwi na tulog na ang mga anak nila. Gusto ko pang makakwentuhan ang asawa at makalaro ang mga anak ko. Hindi madali na mag-uwian ng Hombre Fuerte Homes araw-araw. Pero kinakaya ko. Para sa pamilyang pinangarap ko. "Avery, nag-abroad na si Tita Mama. Malayo... sa Amerika. Doon na sila tumira ni Tito Dorcas mo." "Bakit niya tayo iniwan po?" "Anak, si Tita Mama ay may sariling buhay

