Chapter Ninety-six Nagkalat ang mga article laban sa akin. Kung artista siguro ako o may pangalan sobrang iniingatan ay baka ma-depress na ako sa mga nabuo nilang kwento. Pero hindi ako nagpatinag. Suportado ako ng mga Santorin sa desisyon kong ilabas sa publiko ang katotohanan. Sa pagtapak ko sa isa entrance ng pinakamalaking network sa Pilipinas ay buo ang loob kong wakasan na Ang paninira ng aking ina at ng pamilya nito. Hawak ni Mackenzie ang kamay ko. Ramdam ko na sa pagharap ko sa nakaraan ay hindi ako mag-isa. May kasama ako na alam kong kahit anong mangyari ay hindi ako pababayaan. Pwede naman akong naglabas ng statement sa social media. Pero mas pinili kong magpa-interview dahil mas magiging trending kung sa network ko na ito ibibigay ang statement ko. Para malaman ng lahat, pa

