Chapter Ninety-seven Colleen: "Ate, sana mabasa mo po ito. Ito po si Liane sa larawan. Nakararanas ng pagmamalupit sa inyong ina. Bata pa lang pero mulat na sa kalupitan ng nanay mo. Alam kong iisipin mo na hindi nananakit si Tita. Pero simula no'ng naging sila ni Harvey ay malaki na talaga ang pinagbago niya. Ibang-iba na siya sa Tita Pressy na nakilala ko. Iligtas mo sa kalupitan ang kapatid mo, Ate Lia. Awang-awa na ako sa bata. Hindi normal ang environment niya rito. Gusto ko man siyang kunin ngunit Wala akong kapasidad na gawin iyon sa ngayon. Please, ate." Colleen: "Plano nilang gamitin si Liane para mapasunod ka. Pero dahil hindi ka kumagat sa plano nila ay ibang taktika naman ang gagawin nila. Lalapit si Harvey sa 'yo. Iniisip nilang makukuha ka ulit ni Harvey. Naniniwala silang

