Chapter Twenty-four Sa pinakamalaking supermarket kami nagpunta at hindi sa palengke. Same lang naman daw ang presyo at hindi pa crowded. Kaya naman pumayag ako. Ngayon ay tulak-tulak ni Mackenzie ang cart habang nakaupo roon ang aking anak na si Avery. "Sardinas," agad huminto ang lalaki. Itinuro naman ni Avery ang mga pamilyar na de lata. Kinuha ko lang ang stock na kailangan ko. Marami rin naman dahil baka maubusan na naman ang laman ng tindahan ko. Tiyak din namang hindi sa lahat ng oras ay sasama itong si Mackenzie sa amin. Baka ang sunod na bili na ay pagbalik na ni Prim. Halos mapuno na ang cart kaya nagpakuha pa agad si Mackenzie sa isang staff na pumayag naman sa request ng lalaki. Inilapat niya sa bagong cart si Avery at iyong cart na unang napuno ay dinala na ng staff sa cas

