Chapter Eighty-two Nanginginig ang kamay na tinawagan ko si Mackenzie. Kailangan niyang malaman ito. Ito na iyong bunga ng kalandian naming dalawa. Medyo matagal sumagot si Mackenzie. Mukhang busy ito sa training at gabi na ito nakahawak ng phone. "Lia, I'm so sorry ngayon ko lang nakita ang missed calls mo. Are you okay? May problema ba?" worried na tanong ng lalaki. "Mackenzie, ang agang dumating ng pamasko sa atin," problemadong ani ko. "What? Sinong nagbigay ng regalo?" "I'm p-regnant, Zie," saka ko dinampot ang mga ginamit kong PT. "Buntis ako, Mackenzie. Anong gagawin natin?" biglang bumalikwas ng bangon si Mackenzie. Naka-boxer lang ito. Kinuha lang niya ang shirt niya at isinuot. Walang sali-salita. Tinatawag ko siya pero hindi sumasagot. Saka ko lang narinig ang boses n

