Chapter 103 Primrose "I really like her, Dorcas," maingat kong dinampot ang kopita ng alak na inilapag ni Dorcas sa harap ko. "No... Not just like... I really love her," pagtatama ko sa salitang binitiwan ko kanina. "Kailan nagsimula?" "Hhmmm... no'ng dumating kami rito sa El Pueblo. Doon ko natanggap sa sarili kong mahal ko na siya. Wala naman akong planong sabihin sa kanya. Baka mamaya ma-weirdo-han pa si Lia sa akin 'di ba," saka ako tumawa pero sa totoo lang hindi naman saya ang dahilan ng tawa ko. "Nahihirapan ka na?" "Nahihirapan na akong itago pa... iyong love ko sa kanya ay nag-uumapaw to the point na gustong-gusto ko nang sabihin pero natatakot ako. Natatakot ako na masira ang friendship namin. Kasi... kasi kahit takot sa lalaki ang best friend ko na iyon... alam kong h

