Chapter 105 "Anong plano mong gawin sa buhay ko, Primrose? Hahayaan mo na lang bang ganyan ang buhay mo? Nagkukulong sa kwartong ito... halos hindi kumakain. Napapabayaan mo na ang sarili mo, anak. Do something." Galit na si papa. Alam kong nafru-frustrate na ito. "May asawa ka pang naghihintay sa 'yo. Anak, ayusin mo ang sarili at buhay mo. Hindi pa katapusan ng mundo," inagaw nito sa akin ang lubid na sa totoo lang ay hindi ko naman gagamitin. Ang plano ko pa nga sana'y itapon na. Ngunit na misinterpret ng aking ama iyon. Nang akmang magpapaliwanag ako rito ay basta na lang itong umalis. Napabuntonghininga na naupo na lang ako sa kama. Hindi ganitong buhay ang plano ko sa sarili ko. Tama si papa... kailangan kong ayusin ang sarili ko. Gabi... dumating si Dorcas. Pumasok ito ng kwa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


