Chapter Fifty-three "Hindi ko alam kung bakit nagkaganon si Prim. Nag-aalala na ako, Zie. Parang nasasaktan ko na siya na hindi ko naman malaman kung paano. I'm happy right now... nasasaktan ko ba siya dahil masaya ako ngayon? I don't know. Hindi ko maisip ang dahilan," ani ko. Tulog na si Avery. Nakatambay kami ngayon dito sa tindahan. Hindi pa ako inaantok. Kaya hindi pa rin ako nagsasara ng tindahan. Malakas ang buhos ng ulan sa labas. Pwede naman na kami ni Avery na rito na matulog. Sarado rin naman ang buong bahay. "Tinanong mo ba?" "Yes. Tinanong ko siya pero hindi pa raw niya kayang sabihin sa akin. I'm worried, Zie. Anong dapat kong gawin?" "Lia, wait. Iyon ang kailangan mong gawin. Kung hindi pa ready si Prim... kailangan mong tanggapin iyon at maghintay." Inakbayan ako nito

