CHAPTER 6

1591 Words
REAGAN FAYE RODRIGUEZ NANIGAS ang balat ng mukha ko sa sunod pa na binanggit ng demonyito. “Bastos!” Bahagyang nanalpok ang mga kilay n’ya sa isinigaw ko. “Ang dami-daming makita, panty ko pa talaga?!” “It was just an accident,” kalmadong tugon n’ya. Kinapitan ko tuloy ang ilalim banda ng skirt ko at pasimpleng binaba habang pinapaningkitan ko ng mga mata ang demonyito na ‘to. “Sino ba naman kasing tanga na magsusuot ng ganiyan kaikling palda? Are you in elementary grade?” “Grabe ka naman, nakitaan mo na nga ako tapos sinabihan mo pa akong tanga? Kaya ito ang sinuot ko dahil wala na akong makitang mahaba-haba pa rito at nasa laundry basket na lahat! Wala pa akong time mag-laba at napakabusy kong tao!” “Your blouse looks very old too. Ganiyan ka na ba kadukha at hindi mo kayang bumili ng disenteng damit?” Nanliliit ang mga mata ko sa inis pero sa sinabi n’ya pa ngayon, namilog bigla. “Ang… ang talim naman ng bunganga mo!” “I was just spitting the fact. I don’t want you to wander around with that old scruffy clothes of yours especially since you are my personal assistant,” seryosong sambit n’ya. Why do I feel like I am talking to a primitive ogre? Ang demonyito n’yang talaga. Bagay na bagay sa kan’ya ang palayaw na ibinigay ko. “Wala nga po akong pambili pa. Narinig mo naman ang sinabi ko kanina na ‘pag sumahod na ako, saka lang ako bibili ng office outfits.” Isa pa, pinaglumaan ko na itong skirt ko. High school pa lang siguro ako, ginagamit ko na ‘to. Dapat nga pambahay ko lang ‘to pero wala talaga akong choice kanina. Wala na akong maisuot kahit pantalon man lang. Maglalaba na lang siguro ako mamaya pagkatapos ng duty ko. Halatang-halata nga siguro na luma na ‘tong suot ko. “Follow me.” Inangat ko ulit s'ya ng tingin pero kaagad n’ya akong tinalikuran. Mabagal n’yang tinahak ang daan palabas nitong silid. Napapakamot ako sa batok ko. Hindi ko alam kung uunahin ko pa ba ang hiya ko o papalagpasin ko na lang ba na nakita n’ya ang panty ko. “B-Baka may butas ang panty ko?” Overthink malala. Tinanaw ko muna ang demonyito at sakto, kakalabas n’ya lang sa pinto at doon ko agad na tinaas ang skirt ko. Nang masilayan ko ang panty ko, napa-pikit ako ng mariin dahil kung luma ang suot kong damit, mas luma pa pala ang suot kong panloob. Wala namang butas pero kupas na ang pink na kulay. Nangangapal ang ang balat ko sa mukha sa hiya. Ang totoo n’yan, minsan lang ako bumili ng mga kasuotan ko at lahat ng mga gamit ko, bigay ‘yon galing kina Jiji at Eunice. Pero mga bagong bili lahat ng binibigay nila sa ‘kin. Minsan nga nagsisinungaling sila na pinaglumaan daw nila ‘yon pero nabubuking ko sila minsan at may price tag pang mga naka-kabit. Ayaw ko kasing lagi na lang sila ang nagbibigay. Nahihiya pa rin ako kahit parang mga kapatid ko na ang mga ‘yon. Binaba ko na ulit ang palda at lumakad palabas. “Come here.” Inaya pa ako ng demonyito na lapitan s’ya. Naka-tayo na sa harapan ng malawak n’yang office table. Wala akong ideya kung ano ang gagawin nito sa ‘kin. “Ano ang utos mo?” Tumigil ako sa ka kabilang bahagi ng mesa. Nakakangawit naman nito sa leeg dahil bahagayang naka-angat ang ulo ko lagi para tingalain s’ya. “None,” maikling sabat sa ‘kin sabay inangat ang kaliwa n’yang braso. Napunta roon ang aking buong atens’yon at pinakita n’ya sa ‘kin ang kan’yang malapad na palad. Nangunot ang noo ko dahil may nasilayan akong gold card na naka-lapag doon. “The pin code is 5808.” Hindi ko muna tinanggap ‘yon. Tiningala ko muna s’ya at binigyan ng naguguluhang tingin. “Ano ang gagawin ko riyan?” “But anything you need. I don’t care about the price, just grab anything you want.” “Oo pero ano nga ang gagawin ko sa card na ‘yan?” “Bayaran mo ang mga napamili mo gamit ang card na ‘to.” “Ha? Wala ka po bang cash diyan? Hindi kasi ako marunong gumamit n’yan.” “I don’t have any cash with me. After you are done shopping, just hand over this card to the cashier,” paliwang n’ya pa sa ‘kin. “Ipinanganak ka ba sa panahon ng mga bato at hindi ka pa marunong gumamit nito?” “Aba, pasens’ya na ha? Poor kasi ako at hindi pa ako naka-gamit n’yan.” “Like I thought.” Natigilan ako nang kinapitan n’ya ang maliit kong pulsuhan at bahagyang hinila. Pabasagsak n’yang pinatong sa palad ko ang card. “Teka nga, bakit mo ako binibigyan pambili ng damit ko?” “Why are you keep asking me if you could just go?” naiiritang tugon n’ya. “Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko.” “Personal assistant kita at hindi ko gustong makita ka ng mga mambabasa kong parang trapo. Dress yourself properly and do not wear that kind of skirt again. Huwag mo akong ipahiya.” Napa-ngiwi agad ako. Maka-basahan, wagas ah. Trapo raw. Mamamaga ang mga tainga ko sa panlalait ng demonyito na ‘to. Mas’yadong masakit mag-salita pero ‘di bale na, pagtiisan ko na lang at tingnan mo nga naman, s’ya pa ang nag-offer sa ‘kin para madamitan ko raw ang sarili ko. “Oo na, bossing.” Tinalikuran ko na s’ya habang tinititigan ang card. “Wait, Reagan.” Hindi pa nga ako nakakalayo pero tinawag n’ya ulit ako na agad ko s’yang nilingon. “Bakit?” “Don’t forget to buy new pairs of panties.” Nang umugong ang mga salitang ‘yon sa dalawang butas ng mga tainga ko, nabitawan ko ang hawak kong card. “B-Bakit ba ganiyan ka ka-kaswal makipagusap sa ‘kin?!” malakas kong singhal sa kan’ya. “Ano ako, nakababata mong kapatid?!” “Actually, I have a little sister. Katorse anyos pa lang ang kapatid ko at magkasing tangkad lang kayo. You remind me of her so don’t take it seriously.” Mariin kong kinuyom ang mga palad ko. “Umalis ka na dahil matatagalan ka pa.” “Bahala ka! Iwawaldas ko na lang ang pera mo!” Marahas kong dinampot ang card at padabog ulit na nag-lakad patungo sa sliding door. “Kung mauubos mo.” “Uubusin ko talaga, wala akong ititira.” “Ikakaltas ko naman sa sahod mo.” Nang ganiyan na ang sagot n’ya sa ‘kin, nanahimik na lang ako at nabuburyong nag-lakad palabas ng office n’ya. Naka-sakay na ako sa taxi pero nakaligtaan kong tanungin kung magkano ang puwede kong ibawas sa card n’ya. “Kuya, para po. Dito na lang ako.” Huminto ang sinasakyan ko sa gilid ang isa sa mga ukayan dito sa shopping district. Sa mall na lang ako bibili ng panty para maka-tipid. Halos isang oras ang ginugol ko para maka-pili ng mga bibilhin ko pero nang oras na ng bayaran, “Miss, hindi kami nag-a-accept ng card. Cash lang.” At ako itong si tanga dahil nakaligtaan kong wala palang card machine dito kaya ang ending, binalik ko na lang ang mga ukay sa mga pinanggalingan. “Grabe, nagpapagod akong maghalungkat tapos mauuwi lang pala sa wala ang lahat!” Pumara ulit ako ng taxi papunta sa pinakamalapit na mall dito sa ‘min. Pinili ko ‘yong store na may pinakamura ang bentahan. Limang blouse at lima ring office skirt ang binili ko. Tatlong piraso lang ang nabili kong panty dahil takot akong baka maubos ang laman ng card tapos wala pala akong pambayad. Halos tatlong oras bago ako natapos. Bumalik kaagad ako sa company building ni demonyito para ibalik sa kan’ya itong card. “Is that all?” Isa-isa kong nilapag ang tatlong paper bags sa ibabaw ng office table n’ya. Dalawa ang malalaki at isang maliit. “Bakit, nakukulangan ka pa ba? Sampung pirasong outfit na pantrabaho ang binili ko.” Parang hindi masaya si demonyito. “Wait a minute.” Nakita kong nilabas n’ya ang isang tablet. “My remaining balance on my bank account…” Nag tip toe ako para masilip ang tinititigan n’ya sa screen ng tablet at bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil parang ang dami yatang numero? “You only spent… two thousand three hundred and forty-eight pesos?” Sinalubong n’ya ang mga mata ko na agad kong iniwas ang tingin ko sa screen ng tablet. “Bakit mga mumurahin ang binili mo, Reagan?” “Ano pala dapat? Hindi ko kasi naitanong sa ‘yo kung ilan ang kukunin ko.” “You should have spent 50k to purchase decent outfits.” Nilakihan ko s’ya ng mga mata. “Isang sahuran ko na ‘yan! Akala mo ba kaya kong gumastos ng ganiyan kalaki para suotin ko lang?!” “That’s my purpose in the first place. I want you to look presentable in front of my guests but you have bought cheap clothes again.” Dahan-dahan s’yang humugot ng hangin at pinakawalan din kaagad na may halong inis. “Put those things away on my table.” Inalis ko agad ang mga paper bag at binitbit ko muna. “Itapon mo na lang ang mga ‘yan sa basurahan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD