REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Hindi naman kayo imbitado pero bakit kayo sasama sa ‘kin?!” Ang mga siraulong ‘to?! Hanggang doon ba naman, plano pa nila akong sundan?! “Reagan, I said get inside.” Iyan pa ang utos ni Demonyito pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Tinanaw ko sila roon sa loob ng driver seat habang sinasamaan ko sila ng tingin. Naka-tutok sa kanilang dalawa ng flash light ko habang kitang-kita kong umuulan ng hamog. “Hindi ka ba papasok?” “Bahala kayo, nakakahiya. Aantayin ko rito si Eunice at hindi kayo puwedeng sumama sa ‘kin dahil hindi naman kayo inimbitahan! Baka sabihin nila, nag dala pa ako ng dalawang palamunin!” Hindi talaga ako umalis sa puwesto ko pero narinig kong bumukas ang pinto sa front seat hanggang sa nakita kong lumakad palapit sa ‘kin si Demonyito. Ti

