REAGAN FAYE RODRIGUEZ “B-Baby… g-girl?” Parang hindi ko na mabanggit ang mga salitang ‘yon. Halos magkakadikit na ang ilong namin kaya pinakilos ko na ang mga kamay ko at tinulak ko s’ya sa dibdib palayo sa ‘kin. “T-Teka, sandali! Papatayin n’yo naman yata ako!” ‘Yong puso ko kasi, parang tatagos na sa rib cage ko sa lakas ng pintig! Hindi na ako nakakahinga ng maayos habang damang-dama kong naguusbungan ang usok sa mukha ko! Niyuko ko ang aking ulo dahil panigurado, kitang-kita n’ya kung paano nangangamatis ang mga pisngi ko! “A-Ang ibig mong… sabihin… a-alam mong… gising ako sa mga oras na ‘yon?” Pilit kong nilalayo ang katawan ko pero s’ya naman itong usog ng usog para mas dumikit pa sa ‘kin kahit parang matutunaw na ako sa sarili kong body heat! My heart keeps pounding too hard

