REAGAN FAYE RODRIGUEZ ILANG beses akong humugot ng hangin dahil kinapos na yata ako sa pag-hinga. Sinentro ko naman ang mga mata ko sa kama. Doon ako mabagal na humakbang at hinayaan kong bumagsak ang aking katawan sa malambot na kutson. Tumalbog-talbog ako. Tumihaya ako at mabilis na dinampot ang aking unan sabay padiin na pinatong sa mukha ako. Pagkakataon ko na para tumili ng mahina at pagigil na niyakap itong unan. Gumulong-gulong ako at muntik pa akong malaglag. Todo paypay naman ako sa umuusok kong mukha. Pinagpapawisan ako na hindi ko alam kung ano pa ang puwede kong gawin para kumalma! Sa kalagitnaan ng paggulong ko, may narinig akong kung anong ingay. Nagmumula iyon sa naka-saradong balcony. Tila ba may tumama sa sliding door kaya umupo muna ako sa kama. Naka-lugay na ang

