SPECIAL CHAPTER PART 8 REAGAN FAYE RODRIGUEZ PAG-SAPIT ng maaliwalas na umaga, nagising na lang ako nang hindi ko na makapa si Devillion dito sa tabi ko. “Baby, good morning. I am here…” Kahit naka-pikit pa ang mga mata ko, mukhang nasa loob s’ya ng walk in closet base sa anggulo ng boses n'ya. Doon ko na dahan-dahang inangat ang aking mga talukap at nasilayan ko nga roon si Devillion. Kinakabit n’ya ang butones ng suot n’yang long sleeve at sinuot na rin ang kan'yang black vest. Napansin kong basa pa ang buhok n’ya. “Baby, may aasikasuhin lang ako sa office ko pero babalikan kaagad kita. Bago tayo tumungo sa simbahan, kumain na muna para kapag naka-balik na ako, aalis na tayo.” “A-Ayaw ko pang bumangon… inaantok pa ako…” nahihikab kong sambit na ikinatawa n’ya ng mahina. Unti-unti

