REAGAN FAYE RODRIGUEZ HINDI ko maigalaw kahit anong parte ng katawan ko. Pero ang dibdib ko, parang binabaldog sa loob ang puso ko at hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng pag-t***k. Hindi ko mawari kung ilang minuto na ganoon ang posisyon. Bumalik lang ako sa katinuan nang nagkahiwalay na ang mga labi namin sa isa’t isa. Doon ko hinabol ang sarili kong hininga dahil maliban sa puso kong walang humpay ang pag dagungdong, hindi ako naka-hinga sa halik ni Demonyito. Kahit inalis n’ya rin ang pagkakahawak sa likod ko, hindi talaga ako naka-kurap. ‘Yong mga tuhod ko, bahagyang nangangatog. Lumalamig ang mga kamay ko pero ang mukha ko, roon umuusbong ang init. “He’s gone.” Saglit akong napa-sulyap kung saan ko nasilayan si Harvey kanina pero hindi ko na s’ya nakita pa. Nagkaroon ng mati

