REAGAN FAYE RODRIGUEZ PINATONG ko na sa malambot na unan ang ulo ko. Nasa kanan ako naka-hilata ni Demonyito at sa kaliwa naman n’ya si Dean. Pumapagitna s’ya sa ‘min na imbes ako ang nasa posisyon n’ya. Hinaragan ko ang isang unan para alam mo na, baka mamaya, magising na lang akong naka-patong na ako kay Boss at sobrang kulit ko pa naman matulog. “Good night na sa inyong dalawa…” Humikab na ako at tumagilid. Naka-tulog kaagad ako. Air con ang kuwarto eh. Pag-sapit ng maaliwalas na umaga, nagising ako sa boses ni Dean. Pinapabangon na ako para makakain na. Pag-mulat ng mga mata ko, nagulat akong may pusang naka-dagan sa tiyan ko. Ang pusang si Devillion. Kaya naman pala mabigat ang pakiramdam ko. Nag-inat ako at doon na s’ya tumalon sa sahig. Nahihikab akong napapakamot sa leeg.

