REAGAN FAYE RODRIGUEZ Tumigas ang tikhim ko at nag side view na lang para iwasan ko s’ya ng tingin. Pero si Demonyito, tuwang-tuwa na nakikitang namumula pa ang mukha ko. Hindi pa rin bumababa ang dugo ko. “Hindi na nga kailangan. Ang gusto ko naman malaman ngayon, ano ang purpose mo bakit mo ako inutusan at ikaw naman pala itong susundo sa ‘kin?” “Nothing special.” Ang kutob ko, kaya n’ya ako pinapunta rito para iparating sa ‘kin na hindi na mas’yadong galit si Demonyita. Kaysa noong huli naming pagkikita, ramdam ko ang inis n’ya no’n sa ‘kin pero kanina, hindi na gaano. “Are you hungry? Let’s grab something to eat.” Hindi pa nga ako um-oo pero bumiyahe na kami palayo. “Ayokong lumabas na tayo lang dalawa. Doon na lang tayo kumain sa bahay nina Jiji.” “If you say so.” Sinunod na l

