REAGAN FAYE RODRIGUEZ Nang hindi na namin marinig ang boses ng mag asawa, lumabas na kami sa pinagtataguan at lumipat sa living room. Nakita ko agad ang mag-ama na naguusap pero parang wala lang nangyari at napakakalmado lang nila. “Dad, I want you to introduce Reagan.” Bago pa ako maka-lapit, sinalubong na agad ni Devillion. Kinapitan n’ya pa ang kaliwa kong pulsuhan at dinala sa harapan ng kan’yang ama. Tama nga si Dean. Nakakatakot ang awrahan ng tatay ni Devillion. Ang lakas ng tindig at ang angas ng porma. “Reagan, say hi to my dad. Huwag kang mahiya…” marahang usal n’ya at nilunok ko na lang ang sarili kong laway. Dahan-dahan kong inangatan ng tingin ang ama n’ya. Doon ko nasilayan sa malapitan ang imahe ni Boss Gideo. Kamukhang-kamukha nga n’ya si Devillion. “Don’t be scare

