REAGAN FAYE RODRIGUEZ NALAGLAG ang panga namin ni Dean nang marinig ang sagot ni Boss. Hindi pa rin s’ya umaalis sa kan’yang kinatatayuan kahit pinagbuksan na s’ya ng sliding door. Hindi kumukukap ang mga mata n’yang bahagyang naka-baba ang talukap. Umaalingasaw ang ang lungkot sa katawan ni Boss. Kahit sabihin kong blanko ang expres’yon n’ya, mahahalata ko naman sa aura at hindi naman ganito ang tindig n’ya. “B-Boss, pasok po muna kayo.” Parang walang planong humakbang si Demonyito kaya umalis na ako sa puwesto ko. Lumakad ako palapit sa kan’ya. Ang totoo n’yan, kanina pa kami nagaalala ni Dean. Panay titig kami sa orasan. Umuulan pa ng malakas sa labas tapos gabing-gabi na, hindi pa rin nakakauwi si boss. Ang bilin n’ya kasi, mabilis lang s’ya. ‘Yon pala, may nangyari na. “Boss, hal

