REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Hoy, sino ba ang walang ex sa ating dalawa?! May pumatol na sa ‘kin pero ikaw, saan?!” malakas na singhal ko kay Dean. “Excuse me, bansot. Hindi mo lang alam pero matinik sa chicks dati.” “Dati ‘yon pero ngayon ano? Saan ang ex mo at ipakita mo rin sa ‘kin!” “Huwag ka nang dumada at pakainin mo na ang boss natin.” Inabot n’ya sa ‘kin ang tray kaya ang ginawa ko, sinubuan ko ulit ‘tong demonyito. Pinainom ko na rin ng gamot at pinatulog ko na. “Dean, ikaw muna ang bahalang mag bantay kay boss. Kukuha lang ako ng mga pamalit ko sa bahay at babalik kaagad ako.” “May pamasahe ka ba?” tanong n’ya sa ‘kin na agad ko s’yang tinanguan. “Alis na ako.” Um-oo si Dean at nilisan ko na ang company building ni demonyito. Habang nasa taxi, hindi maalis sa isip ko ang

