REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Pero hindi ako sanay na hindi natin kasama si Bansot sa office. Napakaboring mong kasama, boss.” Nakakaidlip na yata ako pero hindi ko kayang matulog dahil ang ingay ng dalawang ‘to. Maya-maya, dumating na ang order namin kaya dahan-dahan na akong umupo ng maayos. Pag-tingin ko sa harapan ko, med’yo nawala ang sakit ng ulo ko nang masilayan ang sampung maliliit na siopao sa bamboo steamer. Hindi muna ako nag react at isa-isa kong tinitigan ang mga plato nila at American breakfast lahat. Ako lang ang naiiba. “Sino ang nag-order nito?” “Si Boss,” tugon ni Dean. “Eat that while it’s still warm,” sabi naman ni Demonyito rito sa tabi ko. “Sige po,” tugon ko. “Mukhang masarap—aray!” Nang mahawakan ko ang isang shopao, nabitawan ko agad at ang init nga. “It’s pi

