REAGAN FAYE RODRIGUEZ DAHAN-DAHAN akong bumangon sa pagkakabagsak sa damuhan. “Ang sakit na tuloy ng puwet ko…” Himimas-himas ko ang aking pangupo habang napapangiwi. Hindi lang ‘yan ang masakit, maging ang anit ko at ang lakas kasi ng pagkakahila ng mama ko. Tumayo ako ng tuwid. Pinunasan ko na lang ang mga luha na namumuo sa magkabilang sulok ng mga mata ko gamit ang likod ng aking palad, bago pa tuluyang masayang. Alam kong kahit magmakaawa pa ako para maka-pasok sa loob ng bahay, mas matigas pa ang puso ng mama ko kaysa sa bato kaya imposible na rin. Papagurin ko lang ang sarili ko 'pag sisigaw ako. Wala rin akong cellphone para kontakin sina Jiji o Eunice para roon muna sana ako magpapalipas ng gabi. Bukas ang pinto ng mga bahay nila para sa ‘kin. Iyon nga lang, mas’yadong malayo