REAGAN FAYE RODRIGUEZ Kinakabihan, pumasok pa ako sa school at pagdating sa bahay, ginawa ko muna ang mga homework bago natulog. Bad mood si Demonyito kaya hindi ako puwedeng ma-late. Sana mawala na ang inis n’ya sa ‘kin. “Boss, hanggang ngayon, galit ka pa rin?” Nasa loob na ulit kami ng kotche. Patungo sa isang local library. May book signing s’ya na magaganap doon. “Boss, pansinin mo naman ako…” Hindi na nga ako tinabihan dito sa back seat. Doon s’ya pumuwesto sa tabi ni Dean. “Boss, promise, hindi ako iiyak kay Harvey kaya ‘wag na kayong magalala. Kung mangyayari man ‘yan, sige… sisantihin n’yo ako…” Walang kibo. “Boooooooss!” ngawngaw ko pa. “Would you stop barking?! I am driving here!” ungal ni Dean. Sumimangot ako at pabagsak na sumandal sa car seat. “Walang pansinan

