SPECIAL CHAPTER PART 12 REAGAN FAYE RODRIGUEZ NAGDAAN pa ang ilang mga linggo, papalapit na 'yong gender ultrasound. Gusto ko pa sanang bumalik sa Demorgon's village at hindi ko kasi makalimutan ang lugar na 'yon pero hindi na talaga kami pinayagan ni Boss Gideo. Mas'yadong nerbyoso. Kung excited si Devillion, mas lalo naman ang mga lolo at lola. Mga ninang at ninong, maging mga tito at tita. May kan'ya-kan'ya silang mga predictions pero kami ni Devillion, naka-relay lang muna kami sa mga magiging resulta at bahala na ang Diyos kung ano ang binigay sa 'min. Sa sobrang excited, mas nauna pa talaga kami sa doktor. Ang aga naming dumating sa hospital kaya nag-antay pa tuloy kami ng halos kalahating oras. Naka-higa na ako ngayon sa examination table. May inaply na gel sa baby bumb ko

