REAGAN FAYE RODRIGUEZ TILA ba umuusbong ang init sa tuktok ng ulo ko habang tumatakbo patungong building namin. Nang makarating na ako sa lecture room, tinungo ko agad ang desk ko at pabagsak akong umupo roon. Hindi ko iniintindi ang mga tao sa paligid ko. Napa-hawak ako sa magkabila kong mga pisngi at nagpapapadyak na rin ako dahil kinikiliti mas’yado ang tiyan ko. Pinaypayan ko pa ang sarili kong mukha. Pakiramdam ko may namumuong pawis sa noo ko. “Uy, ayos ka lang?” Bigla akong tinabihan ni Ella kaya napa-baling ang atens’yon ko sa kan’ya. “’Na ‘pa ‘no ka? Okay ka lang?” “A-Ah, oo. Ayos na ayos lang ako.” Natawa ako ng hilaw. “Alam mo na siguro ang tungkol sa public apology video na pinost ni Faith Garcia? Trending ‘yon ngayon.” “Gano’n ba?” Kinunutan n’ya ako ng noo. “Hindi

