SPECIAL CHAPTER PART 6 REAGAN FAYE RODRIGUEZ NAG-DAAN pa ang mga buwan, nalalapit na ang pinakahihintay naming graduation day. Nakapagpictorial na nga kami at sa susunod na linggo, magpapractice na sa stage. Habang hindi pa ako mas’yadong abala, sumasama pa rin talaga ako sa mga event ni Devillion. Lalong lalo na ang fan signing event. So far, base sa observation ko, hindi naman lumiit ang fanbase ni Demonyito. Kahit alam ng mga taga hanga n’yang may asawa na s’ya, sinusuportahan pa rin nila si Devillion. Sila ang totoong nagmamahal din sa kan'ya, especially ang mga bata. “Thank you so much po, Sir Devillion… para sa ‘yo…” Nang matapos pirmahan ni Devillion ang sandamakmak na librong dala ng tatlong dalaga, inalayan pa nila ng maliit na bouquet. “Thank you.” Pinasalamatan nila si Dev

