REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Anong nangyari sa mukha mo?” Kahit obvious naman, tinanong ko pa para kompirmahin kung tama itong hula ko. Pero kasi, talagang magkabilaan, naka-hulma roon ang mga daliri sa mga kamay. “Tanggapin mo na nga lang, ang dami mo pang sinasabi,” naiiritang tugon n’ya. Bago ko pa makuha sa mga kamay n’ya ang naka-tupi kong dress, pasampal n’yang binato sa dibdib ko at agad ko namang sinalo para hindi malaglag. “Sinampal ka ba ni Devillianna?” “Bakit mo pala s’ya kilala?” Hindi n’ya sinagot ang tanong ko. “Ang sabi n’ya sa ‘kin, hindi naman daw kayo magkakilala ah? Nakita n’ya lang ang ginawa mong eksena kanina kaya ako pinatawag sa department namin dahil nahuli akong tinulak kita at minura.” Mabuti na lang, sinabi n’ya agad ang detalyeng ‘yan dahil kung hindi, ak