REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Walang hiya ka kasi! Ginalit mo si Demonyito, ‘e ‘to tuloy, pinalabas tayo!” Marahas na humarap sa ‘kin si Dean. “Ako lang ba ang may kasalanan?! It’s your fault too! You are too loud!” Umakto akong sasapakin ko s’ya at ganoon din ang ginawa n’ya na tila kukutusan ako. Napa-titig ako sa naka-saradong pintuan ng lounge. Napapakamot ako ng madiin sa likod ng ulo ko. Ang sarap-sarap ng higa ko sa malambot na sofa bed! May saltik kasi sa utak ‘tong Dean! “Bakit ka kasi umungol-ungol?! Pinatayan na naman ako ng tawag ni Harvey! Ano na lang ang ipapaliwanag ko sa narinig n’ya?!” malakas na bulyaw ko habang minamasahe ko ang sarili kong sintido. “Ikaw talaga ang dapat sisihin kung bakit tayo nawalan ng higaan! Ang kulit mo kasi!” “Ikaw din naman ah? Tulungan mo na la

