Pagtingin niya sa wallclock, gusto niyang bumangon at tanggalin ito mula sa kinalalagyan. Sa bawat takbo ng oras ay mas lalo lang siyang nainis. Lagpas alas nwebe na sa gabi at hindi pa rin nakauwi si Nick. Sinong client ba ang ka-meeting nito at ginabi naman ng husto? Napatiimbagang si Meghan at nanlisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa may pintuan. Naalala tuloy niya ang isang pangyayari noon noong nagpapansin pa siya kay Nick. Hindi rin niya kayang ipaliwanag ang pagkabagot noong gabing iyon habang hinintay ang lalaki na umuwi sa bahay. “May kailangan ka ba sa akin? Magkano?” nag-assume ni Nick na malaking halaga ang kailangan ng dalawa at napailing na lang siya habang inisip kung ano na naman kaya ang balak nito. Last time kasi na humingi ito ng malaking halaga