Sobra siyang napagod kaya nang makapasok na siya sa kanilang silid ni Nick ay dumiretso siya sa kama at nahiga. Kulang na kulang siya sa tulog sa ginawa nilang dalawa ni Nick kagabi at kinailangan pa niyang gumising ng maaga para sa make-up. Narinig niyang bumukas ang pinto ngunit masyadong mabigat ang talukap ng kanyang mga mata kaya minabuti nyang huwag ng dumilat pa. “Baby?” Umungol lang si Meghan bilang tugon sa lalaking tumawag sa kanya. “Matulog muna tayo,” pakiusap niya sa lalaki. “You must be so tired,” konklusyon ni Nick. “Sinabi mo pa,” sinabi mo pa. “I can help you,” inalok ni Nick kay Meghan ang kanyang serbisyo bilang asawa nito. Dahil sa narinig ay bigla siyang dumilat at tiningnan ng m