Lahat na lang yata ng kanilang hindi pagkakaintindihan ay laging nauuwi sa chukchakan. As usual, naglaho na lang bigla ang kanyang inis kay Nick pagkatapos nitong paligayahin siya sa kama. Ganun na ba talaga siya kababaw? Konting halik at yakap lang, pawi na kaagad ang pag-aalburuto niya. Napabuntonghininga na lang si Meghan habang pinagmasdan ang lalaking nakatulog pagkatapos ng kanilan ginawa kanina. Habang tulog pa si Nick ay minabuti ni Meghan na bumangon na lang at maligo. Balak niyang bumili ng regalo para sa sekretarya ni Nick na si Jill dahil malapit na ang kaarawan nito. Noong hindi pa siya nagtrabaho sa farm ay wala siyang pakialam sa mga empleyado ni Nick ngunit nang maging katrabaho niya si Jill ay madali niyang nakasundo ang babae. Naisip niya na baka mamaya pa magising s