“Gusto mo ba ng kape? Ipagtimpla kita,” nag-offer si Margaret kay Keith. “Sure,” sumang-ayon si Keith kahit na hindi siya masyadong mahilig sa kape. Tubig lang ay sapat na sana ngunit gusto niyang sabayan si Margaret sa pagkakape nito. “Kailan ka pa kaya titigil sa pag-inom ng kape?” “Kapag maari ng nguyain ang tubig,” sabi ni Margaret at saka bumungisngis ng tawa nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Keith. Mabilis siyang nagtungo sa coffeemaker upang gumawa ng kape nila ni Keith. “Thank you ha,” wika niya habang ibinigay sa lalaki ang dilaw na mug na mayroong umuusok na kape. “Na naman? Araw-araw ka na lang nagpapasalamat sa akin,” reklamo ni Keith. “Araw-araw kasi akong grateful na hindi mo ako sinukuan noon kahit na medyo pa