Ilang beses na kumurap ang mga mata ni Meghan dahil sa narinig. Hindi siya kaagad naniwala sa matanda at siguro ay naramdaman ni Manang Merlie na nagduda siya kaya inulit nito ang sinabi. “Tama na!” Pinigilan niya si Manang Merlie na ulitin pa ang sinabi nito dahil nadi-disappoint lang siya.Tiniis niya ang pagod upang makita ito at makasabay sa breakfast ngunit nahuli pala siya. “Ipahanda ko na ang breakfast mo,” sabi ni Manang Merlie. “Salamat,” sabi niya. Nang dumulog siya sa hapag-kainan, pansamantala niyang kinalimutan muna si Nick upang makakain siya ng maayos. Masarap magluto ang bago nilang cook kaya hindi niya palalampasin ang ‘bas-oy’ na baka lalo na at mais ang kanilang kanin. Tutal iniwan na siy ni Nick, minabuti ni Meghan na mag-enjoy na lang sa kanyang kinaing almusal. H