Dalawang araw na siyang delay sa kayang buwanang dalaw kaya hindi niya maipaliwanag ang excitement sa kanyang puso. Maaga siyang bumangon at nagtungo sa banyo bitbit ang isang kit para sa pregnancy test. Habang hinintay ang resulta ng pregnancy test kit, nagpalakad-lakad si Meghan sa loob ng banyo. Nang dumating ang tamang oras upang tingnan muli ang kit, mabilis siyang lumapit sa lavatory kung saan niya ipinatong ang PT. “Meghan…,” tinawag ni Nick ang babaeng nakatulala sa harap ng vanity mirror. Hindi niya alam kung bakit nakatulala ang babae ngunit kanina pa niya ito napansin nang pumasok siya sa banyo. “Negative,” sagot ni Meghan. Napakunot ng noo si Nick dahil naguguluhan siya sa sinabi ni Meghan. “Ano ang ibig mong sabihin