Hinayaan lang ni Nick na gawin sa kanyang katawan ang kahit anong gusto ni Meghan. Medyo napagod siya kanina ngunit mabilis naman siyang nakabawi. Hindi niya alam kung ano ang balak ni Meghan ngunit hiniling nitong patayin ang ilaw sa kanilang silid. At dahil sobrang mahal niya ang babae ay hindi na siya nagtanong kung bakit at basta na lang pumayag. Sa gitna ng dilim ay narinig niya ang kaluskos ng mga tinanggal na damit. Kinapa niya muna sa kanyang bulsa ang nakahandang condom at inilagay sa gilid. Simula kasi nang makunan si Meghan ay takot pa rin itong muling mabuntis kaya lagi siyang maingat tuwing nagtatalik silang dalawa. Lihim na napangiti si Meghan habang sumampa sa malaking kama at walang babala na pumatong sa ibabaw ng katawan ni Nick. Pagkatapos a