Walang nagawa ang kanilang superior sa nais gawin at gaya ng dati ay uminit ang pagitan nila ni Mercado. Tignan niya kung ano ang gagawin nito dahil kapag ito ang totoong anay sa kanilang samahan ay hindi niya ito papalampasin. "My team have a week to plan," pinal na wika matapos sumaludar ulit sa kaniyang superior. Umiiling-iling ito. "Please don't tell to my mom." Agad na turan dahil wala siyang balak ipaalam kaninuman ang huling gagawing operasyon. He promise already to them at ayaw niyang muling mag-alala ang dalawang babaeng importante sa buhay niya. Ang kaniyang mama at si Kath. Bumuntong hininga pa ito. "I can't promise you that," anito saka tumiim ang titig. "But I might avoid seeing her before the operations. Baka kasi hindi ako makapagsinungaling," ngiti nito na kinangiti ri