"Where the f**k is my daughter?!" Napatayo ako ng wala sa oras nung marinig ko yung boses ni Tito Liam. Kasunod niya sila Daddy at Tito Brad, Toby, Iñigo at Stephen. "Nasa loob pa Tito, sinusubukan pa nilang tanggalin yung traces nung drugs na-" "Drugs?! Anong drugs? Putangina hindi nagda drugs ang anak ko!" Hinawakan ni Tita Yngrid yung braso ni Tito Liam at hinila siya nito palayo habang nagpunta naman sa side ko si Mommy. "Paps, wala namang nagsabing gumagamit ng drugs si Amaia. Kumalma ka muna. Hintayin natin yung doktor." "Kumalma? Puta. Paano ako kakalma? Nasa emergency room ang anak ko! Anong gusto n'yong gawin ko? Maupo na lang at mag-second attack habang nasa panganib ang anak ko?!" "Aba Paps, pag tayo natalo dahil di ka naka-second attack, iki-kick kita." Sinamaan ni Tito Li