ANGELA "ARAY NAMAN GELAI!" Nagkakamot siya ng ulo habang nakatayo sa tabi ng kama ko. Hindi ko siya tiningnan dahil baka nakababa pa ang shorts niya at baka makita kong muli ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. "Bakit kasi ginagawa mo iyan? Babae pa rin ako Baste at hindi ako dapat pinapakitaan ng ganyan!" Nakatakip ang mukha ko habang kausap ko siya. "Sus! Kahit naman hindi mo sabihin iyan ay ipapakita ko ito sa'yo. Sa'yo naman ito eh!" "Tigilan mo ako Baste! Labas na!" "Magpapalabas na ako, Gelai." "Yuck! Baste, labas na!" Tumalikod ako sa kanya at saka ako nagkumot. Naramdaman ko siyang humiga ulit sa tabi ko at ngayon ay tila wala na akong iba pang magagawa kundi ang hayaan na lang siya dito. "Hoy, kangkarot!" Sinagi niya ako. "Uuhhmmm." "Yakapin mo na ako." "Ayaw." "Gust