BASTE WALASTIK na ang laplapan este ang paghalik ko sa unano na ito pero dumating ang kapatid kong kumag, si Seb Anthony, ang isa sa mga kambal kong kapatid. Mayroon siyang trabaho sa San Joaquin bilang engineer, pero bakit siya nandito ngayon? Sa aming walo, siya ang isa sa mga nakakaaway ko noong bata pa ako. Dalawang taon lang ang agwat namin at kahit mas matanda ako sa kanya ay pinapatulan niya ako. Ibang iba siya sa kambal niyang si Seb Andrew na ngayon ay kasama ni Kuya Ismael sa Japan. Sa tingin ko, kapag nandito ang kumag na ito ng isang buong buwan, tiyak kong walang araw na kami ay magkakasundo. Pumasok siya sa bahay at kahit nagpakita ako ng kagaspangan sa kanya ay alam kong walang talab iyon sa kanya dahil na-immune na siya sa akin. "Umalis ka na. Hindi ba't mayroon ka n