ANGELA ISANG GABI, tulog na sila ma'am at sir, nagtitiklop lang ako ng mga damit sa aking kwarto nang biglang mayroong pumasok doon. Si Baste. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya sa aking pagtataka. "Ikaw? Bakit gising ka pa?" Nakangiti niyang tanong. Nakasuot siya ng sandong puti at itim na shorts, mukhang bagong ligo lang din siya. "Nagtitiklop lang ako ng damit, para bukas ay wala na akong gagawin pa." Nagpatuloy lang sa aking ginagawa habang nasa loob na siya. "Uyyy, inaantay mo talaga ako," saka niya tinusok tusok ng daliri ang tagiliran ko. Umirap lang ako. "Handa ka na?" tanong niya. "Para saan naman?" tanong ko sa kanya. "Gagawa tayo ng baby ngayon, hindi ba?" Kumindat pa siya sa akin. "Anong gagawa? Tigilan mo nga ako. Nasa kabilang kwarto lang sila ma'am a