ANGELA PAHIYANG-PAHIYA ako kay nanay nang maabutan niya kami sa ganoong akto. Ngunit nakahinga naman ako ng maluwag nang makita si nanay na hindi nagagalit. "Oh, siya, magbihis na muna kayo at saka kayo kumain, nagluto ako kanina dahil alam kong darating kayo," wika ni nanay. Hindi na rin ako kaagad nakasagot sapagkat agad na ring umalis si nanay. "Bakit alam ni nanay na pauwi ako?" Tanong ko kay Baste saka naupo sa tabi niya. "Abah ewan ko, hindi ko alam." Saka siya naghubad ng pang-itaas at isinabit sa balikat niya ang t-shirt. Tumingin ako sa kanya at saka nagtama ang mga mata naming dalawa. "Anong tumitingin-tingin mo diyan?" Masungit niyang tanong saka nagtanggal ng butones ng kanyang pang-ibaba. Napaiwas naman ako ng tingin nang dahil doon saka ako tumayo at akmang lalabas na