ISANG mahabang daing ang kumawala sa bibig ni Agatha nang magising siya kinabukasan. Masakit ang ibabang parte ng katawan niya, at hindi na niya kailangang alamin pa kung bakit gano’n ang nararamdaman niya. Matapos ba naman ng mga pinaggagawa nila ni Alfonso kagabi. Napatitig na lang siya sa salamin nang maalala ang mga kaganapan na hindi niya lubos akalaing mararanasan niya lang sa loob ng isang gabi. Napailing na lang siya bago napatingin sa espasyo sa tabi niya kung saan nakahiga ang lalaki. Tanging ang bakas na lang ng pinaghigaan nito ang nakita niya. He’s probably in the capitol already doing his job. Agad niyang inabot ang cellphone niya para tingnan ang oras at napamura na lang siya nang makita niyang malapit nang mag-alas diyes. Mabilis siyang napabangon at agad na nagtungo sa b

