“You should have at least controlled your temper, bro,” suhestiyon ni Riguel matapos ikinuwento ni Alfonso ang nangyaring bangayan nila ni Agatha. Bumisita kasi siyang muli sa bahay ng kaibigan dahil kailangan niya ng mapagsasabihan ng prustrasyog nararamdaman niya gawa ng bangayan nila ng babae. “Hindi alam ni Agatha kung anong nangyari sa pamilya mo. She’s clueless about your past so hindi niya kasalanan na nagtanong siya,” dagdag pa nito bago umiling. “This time, mali mo talaga. Well, mali mo naman talaga lahat kaya kayo nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan.” “Are you really my friend, huh, Riguel?” tanong niya rito. “I couldn’t believe you’re siding with her.” Tumitig sa kanya ang kaibigan bago umiling. “Kaibigan mo ako kaya ko sinasabi sa ‘yo ang totoo. Kaibigan mo ako kaya ko pi

