Nicolette Celestial Ang buhay ay sadyang mapaglaro madalas. Akala mo perfect at nasa tamang panahon na ang lahat pero hindi pala. Iyong pinaranas sayo ang sobrang kasiyahan ngunit may kapalit na malaking pagsubok. Iyong nagsisimula pa lang pero matatapos na lang ng ganun-ganun. ‘Yung nag e-expect ka na magiging smooth ang mga manyayari pero bigla ka na lang sasampalin ng reyalidad. “Buhay nga naman!” bulong ko sa hangin. ‘Paano ko ba iha-handle ang sitwasyon namin dalawa?’ tanong ko sa aking sarili. ‘Hindi pala ganun kadali na magdesisyon kung alam mo na sa huli ikaw ang masasaktan.’ Napabuntong hininga ako, ‘Tama ba ang desisyon ko na tapusin sa amin ang lahat at si Nicolo na lang ang intindihin namin dalawa?’ Ang daming tanong sa isip ko. May pagsisisi pero sa tingin ko ay tama naman.