Nicolette Celestial Isang patunay nga na mahal ako ni Nike nang magpakasal kaming dalawa. ‘At sapat na sa akin iyon para magkaroon ng assurance para sa aming mag-ina.’ Pero, may isang bagay pa siyang ginawa na ikinalugod ng aking puso. Hindi ko inaasahan na bibigyan niya ako ng pormal na pagpapakilala sa kumpanya. ‘Hindi bilang empleyado pero bilang asawa niya.’ “Congratulations, Mr. and Mrs. Trinidad!” Hiyaw ni Scout at Sebby. Sinabuyan pa kami ng confetti sa harap ng mga empleyado. “I hope everything is clear to all of you. She is not only my secretary but my wife and the co-owner of this company. As my wife, she deserves all your respect.” “Yes, Sir!” tugon ng mga empleyado. Hindi tinanggal ni Nike ang kanyang kamay sa aking baywang. ‘Ang sarap ng feeling na iparamdam niya na pagm