Nicolette Celestial Panay ngitian at tinginan ang ginagawa naming dalawa ng ina ni Nike. Ito ang unang beses na nagkaroon kami ng bonding magkasamang dalawa. Kasalukuyan kaming naka-upo sa garden habang binabantay si Nicolo na naglalaro kasama ang kanyang Yaya Mel. Naiilang ‘man at nahihiya ay sinusubukan kong maging komportable sa kaharap kong babae. Bago sa akin ang tagpong ito dahil simula ng mamatay si Mama ay wala na akong tinawag na isang inang nakakakwentuhan ko. sinasabihan ng aking problema, at nagbibigay ng payo sa lahat ng complain sa aking buhay. “I know it’s been so hard for you, hija!” simula ni Mommy. “Raising a child by yourself is not easy and simple. Lalo na wala kang katuwang sa buhay kundi ang sarili at pamilya mo.” “Mahirap po!” tugon kong nakangiti. “Pero kinaya k