Nicolette Celestial Napabuntong hininga ako papasok sa loob ng isang hall dito mismo sa kumpanya, kung saan in-organize ni Nike ang media conference upang bigyan linaw ang napapabalita tungkol sa asawa at sa dati nitong sekretarya na si Audrey. Kinakabahan ako sa mga mangyayari, lalo na at hawak na Nike ang hinihintay niyang resulta. Halo-halong emosyon ang aming nararamdaman. Nakakaiyak ay kailangan namin harapin itong dalawa. Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad sa harapan ng mga reporters. Halos mapigilan ko na ang aking paghinga sa bawat pitik ng camera. Nang makarating sa lamesa ay naroon ang iba’t-ibang mic ng media. Hinaplos ko ang kamay ni Nike, “Go ahead! You need to tell them everything,” saad ko. Huminga siya ng malalim, “I will! Walang labis at walang kulang,” tugon