Abala ang lahat para sa nalalapit na oras nang pag-iisang dib-dib ni Nike at Nicolette. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang ambag para sa espesyal na araw ng dalawa. Kahit biglaan at walang sapat na oras sa pag a-arrange ay hindi hahayaan ng mga mahal nila sa buhay na maging simple lang ang kasal na ito. Una nating kamustahin si Scout na ngarag na ngarag sa pag-aasikaso sa judge. Sinundo pa niya si Judge Melendez sa Davao gamit ang isang private helicopter upang agarang masa-ayos ang mga papeles na kanilang kailangan. Nang masigurado na ang presensya ng magkakasal sa dalawa ay nagtungo naman siya sa isang Jewelry Shop upang bumili ng wedding ring para sa dalawa. Hindi naging madali kay Scout ang pumili ng sing-sing dahil halos lahat ay maganda. Sinubukan niyang tawagan si Nike ngunit hin