Chapter 100

1532 Words

SIMULA nang makita at makilala ni Hedvig si Gertrud, mas gumaan ang pakiramdam niya. Sa kabila nang palapit na palapit na niyang kamatayan ay nararamdaman niyang malapit na siyang mabuo. Mas lumiwanag ang mundo niya. "Dati, kapag ganitong sumasapit ang leap year, excited ako," malungkot na saad ni Angela kay Hedvig. "Kasi inaabangan ko ang solar eclipse. Bihira kasing mangyari. Pero simula ngayon, katatakutan ko na iyon. Dahil magiging simbolo siya nang kamatayan ng puso ko..." Magkatabi silang nakaupo ni Angela sa duyan habang sinusulit ang ilang oras na nalalabi sa kanila. Simula pa lang kaninang umaga hanggang sa lumalim ang gabi ay nakaupo lang sila roon. Inabot na sila ng madaling araw. Yakap-yakap ang isa't isa. Hinihintay nila ang pagdating nina Monica at Athena. Bukas ng umaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD