HINDI makakauwi ng pananghalian si Hedvig dahil pagkatapos mangisda ay tutulong ito sa mga kaibigan na maglagay ng trap para sa mga mababangis na hayop na puwedeng sumalakay sa Tussarii. Kaya nagdesisyon si Angela na hatiran na lang ito ng pagkain. Kahit malayo ang lugar na iyon ay okay lang kay Angela. Dahil kasama naman niya sina Astrid at Freja na maghahatid din ng pagkain sa kani-kanilang asawa. Magkahalong pagkaawa at paghanga ang naramdaman ni Angela nang makita niya ang asawa na tagaktak ang pawis habang naghuhukay ng lupa na paglalagyan ng trap. Pagkaawa dahil kung tutuusin, hindi ito kailangang magpakahirap nang ganoon. Paghanga, sapagkat talagang pinatunayan ni Hedvig na kaya nitong magbago para sa kaniya. "Magpunas ka muna ng pawis mo, loves." Iniabot dito ni Angela ang tuwa