PIGIL ang hininga ni Hedvig nang pumasok sila sa kuwarto ni Michelle. At alam niyang ganoon din ang anak nilang si Selene. Masaya siya dahil nagkamalay na ito. Pero hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman niya. Lalong tumindi ang kabang iyon nang sa pagpasok nila ay naabutan nila si Michelle na masayang kausap ang mga magulang nito. Na para bang hindi ito nangingilala bilang si Angela. Ito na ba ang sinasabi ni Monica na posibleng hindi na bumalik ang mga alaala ni Angela kapag hindi tinanggap ng bagong katawan nito? Nagkatinginan silang dalawa ni Selene. Parang binayo ang dibdib ni Hedvig nang makita niya ang kaguluhang unti-unting sumungaw sa mga mata ni Michelle. "Mom, Dad. Sino po sila?" kunot-noo at buong pagtataka na tanong nito. Pakiramdam ni Hedvig ay gumuho ang mund